Monday

you'll never know your own capacity for love until you have children.  also, you'll never understand why some animals eat their young until you have children.

6 gawkers:

atticus said...

hmmm...may bata sa opisina ngayon at tuwang-tuwang ginugulo ang side drawer ko. di naman destructive, curious lang siya. at hinahayaan namin ang isa't isa habang nagta- type ako.

sabi ng isang officemate ko: ang cute ninyong dalawa. gusto mong iuwi ano, JJ?

me: NO! ano ang ipapakain ko sa kanya, kape?

hindi lahat ng may matris ay dapat mag-anak. hahaha!

elizabeth said...

agree ako diyan sa last bit. hindi lahat ng may matris dapat magkaanak. ang dami ko kasing nakikita sa news about mga batang iniiwan sa basura, hinuhulog sa taxi, sa bintana, sa kanal, sa ilog, sa inodoro.. :(

pero ikaw j, matino kang ninang. sana naging ninang ka nila bru para madami rin silang books. hehe.. if you became a mom, i'm wondering if you'd take to blogging about it as well. you'd have to learn how to cook, though. hehe

atticus said...

cooking. there goes the cute mental image. haha!

atticus said...

nakow. sayang di tayo nagkakila nang mas maaga. haha! sana ang saya nating mag-kumare.

may temper ako. mahirap magka-anak. at dahil di ako marunong magluto, baka kape lang ang maipakain ko sa kanya. :)

elizabeth said...

you have yet to teach me how to cook a potful of tutong! grabe ha, delicacy kaya yan. ;)

temper kamo? meron din ako niyan. maanghang akong magsalita kapag wala ng pasensya. pero pagdating sa anak kailangang sabayan ng pagkagat sa unan. hehehe

atticus said...

simple ang potful of tutong. hintaying kumulo. hinaan ang apoy. maglaro maghapon. hintayin ang pagtangis ng mga kasambahay mo dahil hapon na, di mo pa napapatay ang apoy. record iyon!